Mga Proyektong Pangkalusugan
“Malusog na Mamamayan Lakas ng Bayan” 1998 to present
Medical and Dental Mission
Isang Proyektong patuloy na ipinatutupad upang maghandog tulong ng libreng konsulta at gamot sa ibat-ibang lugar sa 1st district ng Cavite tulad ng:
Binakayan, Brgy. Salcedo, Aglipay Church, Noveleta, Brgy Leo, Brgy 54 Cavite City, Cavite City, Ligas Bacoor, Rosario National High School, Manuel Roxas Elem School, Mabuhay Homes Dasma, Green Valley Bacoor, Justinville, Perpetual V, Tabon II, Molino Elementary School at marami pang iba.
Libreng Tuli: Ginaganap tuwing bakasyon ng mga bata mula pa noong 1999 Ito’y handog sa mga batang lalaki tuwing bakasyon mula sa eskwela upang mapanatili ang malusog na pangangatawan. Ginanap sa Brgy Mabolo at Talaba Bacoor, Binakayan, Kawit at Cavite City.
Anti- Rabies Campaign – 1999 to Present
Isang proyekto na tumutugon magbigay ng libreng bakuna para sa mega aso upang maiwasan ang pagkalat ng rabies kapag itoy nakakagat na ginaganap sa ibat ibang lugar sa 1st district ng kabite tulad ng Brgy Tejeros. Brgy 24, Libra Cavite City, Brgy Wawa II Rosario, Brgy Kanluran, Brgy. 47 Pagkakaisa, Brgy 56 Labanos Noveleta, Brgy. Panapaan VII.
Rolling Pharmacy – Isang klase ng Botika na umiikot sa iba’t-ibang lugar sa distrito upang mag-handog ng mga gamot sa murang halaga para sa mga Kabitenyo.
Botika ng Barangay – Proyektong ipinagkakaloob sa mga barangay sa 1st District of Cavite na naghahandog sa mga Kabitenyo ng mga gamot sa murang halaga.
Lingap sa Mahihirap – Libreng tulong pang ospital at medical tugon sa mga kapus-palad na mga Kabitenyo.
Feeding Program – Isang proyekto na tutugon sa mga kabataan na may kakulangan sa nutrisyon na kung saan may libreng pagkain na masustansiya na ipinagkakaloob sa mga bata.
Libreng Binyag – Isang proyekto na tumugon sa kahilingan ng mga mamamayan ng Kawit upang mapabinyagan ang kanilang mga anak sa simbahan ng Kawit, Cavite at Makati City.
Libreng Kasal – Isang proyekto na tumugon sa kahilingan at kagustuhan ng mga mamamayan ng unang distrito ng Cavite upang magpakasal sa kanilang mga minamahal na matagal na panahon na rin nilang kasama sa kanilang buhay.
Mga Proyektong Pangkalikasan
Tree Planting – 1995 to Present
Isang Proyekto na nagbibigay kahalagahan sa pagtatanim ng puno upang ipamulat sa mga kabataan na ito’y isang mahalagang solusyon sa pagsugpo ng baha sa Kabite at tumutulong sa paglilinis ng hangin. Ginaganap sa mga paaralan pampubliko gaya ng Digman Elementary School, Bacoor Central Elementary School, Aniban Elem School, Molino Elementary School, Niog, Talaba, Zapote, Queensrow, Eastern Bacoor National High School, Aguinaldo Elementary School, Putol Sta Isabel, Tirona High School, Noveleta National High School, Rosario Elementary School at marami pang iba.
Waste Segregation Program - 1999 to Present
Isang Proyekto na ang layunin ay maipatupad sa lalawigan ang wastong paraan ng pagtatapon ng basura sa pamamagitan ng paghiwalay ng mga nabubulok na bagay sa hindi nabubulok, upang maiwasan ang baha at paglala sa problema ng basura. Ginaganap sa mga lugar na ss. Lynville, Anaville Subd., Bonaire Subd. Molino III, Paulo Homes, Molino II, Garden City(Sunvar), Queensrow West, Wood Estate Vill. Molino, New Better Landscape Molino III, Camella Homes Springville West at marami pang iba.
“Kalinisan sa Kapaligiran, Kaunlaran sa Cavite”(Clean and Green Project)
Isang proyekto na ang layunin ay upang mahikayat ang mga miyembro ng bawat baranggay linisin ang kanilang kapaligiran.Namamahagi ng libreng basurahan , at tumutulong ang Task force sa pagpapatupad nito.
Mga Proyektong Pangkabuhayan
Hanapbuhay sa Gunting at Suklay – Molino, Bacoor, Cavite - July 1999
Isang proyekto sa mga Kabitenyo upang mabigyan kaalaman sa Pagnenegosyo sa pamamagitan ng seminar at aktuwal na training sa paggugupit. Itoy ginanap sa ibat ibang lugar sa 1st District tulad ng Camella North, Springville,Gawaran Heights, Molino III, Camella Springville Phase IV, Aniban IV Bacoor.
Strike A Job Fair– Isang proyekto na ginaganap taun-taon upang magbigay at magbukas ng pinto para sa mga Kabitenyo na mabigyan ng ibat-ibang klaseng trabaho gayun din sa mga bagong tapos na mag-aaral – 1998-2004
EntrePinoy 2000
Isang Proyekto na nagbibigay kaalamanan sa ibat-ibang klaseng negosyo tulad ng paggawa ibat-ibang bagay sa papel, pagdecorate ng keyk at iba pa. Itoy napapanood sa pamamagitan ng vhs tape na ipinahihiram sa mga Barangay sa 1st District.
NFA Livelihood Program
Erap sari sari store na ipinagkaloob sa indigent members ng lalawigan - 1999
Mga Proyektong PangIsports
Revilla Cup – 1997 to Present
Ginaganap taun-taon at humihimok sa mga kabataan na lumahok at ipakita ang kanilang galing sa larangan ng ibat-ibang isports. Isa pa sa layunin nito ay mailayo ang mga kabataan sa mga di makahulugan bagay tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
9 Ball Billiard Tournament
Humihimok sa mega kabitenyo na maipakita ang kanilang talento at galing sa larangan ng laro na billiards, isang makabuluhan gawain para sa lalawigan ng Kabite na pinaunlakan nila Antonio Lining, Dodong Andama, Ronnie Alcano at Gaga Gabica.
Tamiya 4 WD Racing
Ginanap sa SM Bacoor at San Nicolas
Badminton Tournament
Ginanap noong Abril 2004 na nilahukan ng halos isang daan manlalaro ng Badminton na ginanap sa Warehouse 5 Niog, Bacoor, Cavite
Bowling Tournament
Ginanap sa Bacoor, Cavite noong Mayo 2004
Chess and TennisTournament
Ginanap sa lugar na sumusunod:Panapaan 5, Bacoor, Rosario, Bacoor, Kawit
Mga Proyektong Pang Edukasyon
Philippine Fisheries Code of 1998 Seminar
Fishery Law Enforcement Course
Tennis Court Rosario, Cavite
LTO Seminar- Laws on Deputization
Journalism Seminar
Ginanap sa Cavite Coliseum, Aguinaldo Hi-Way, Bacoor, upang magbigay-impormasyon ukol sa makabagong pamamahayag.
Career Guidance Seminar
St. Francis Business High School, Queensrow, Bacoor, Bacoor National High School
Sabong Seminar
Para mabigyan ng sapat na kaalaman at pamamaraan sa pag-aalaga ng pang sabong na manok ang mga sabungero sa cavite sa tulong ni Patrick Antonio at Sagupaan Feeds na ginanap noong Abril 2004.
Barangay Computerization Program
Isang programang mabigyan ng computer ang mga Barangay sa Cavite para mapadali at magkaroon ng sistema ang trabaho ng mga empleyado sa barangay. Ginanap sa Kawit, Cavite noong July 2003.
Libreng Aklat Para sa Pampublikong Paaralan ng Lalawigan ng Cavite
Ipinamamahagi sa mga paaralang pampubliko ng 1st District ng Cavite.
Scholarship Grants
Ipinamamahagi sa mga mag-aaral/ kabataan na may angking natatanging talino ngunit walang sapat na pera para panggugol sa kanilang pag-aaral mga mag-aaral na nasa High School at Kolehiyo.
Libreng Diploma Jackets Para sa Graduation
Ito ay tumutugon sa mga pampublikong paaralan na ipinamimigay sa mga kabataan na nagtatapos sa elementarya at high school.
Awarding of Outstanding Students and Teachers
Dito binibigyan ng rekognisyon and mga mag-aaral na may angking kagalingan at katalinuhan. Gayundin, ito ay para sa mga natatanging guro na nagpakita ng matapat na serbisyo sa buong taon.
Rescue and Firefighting Training
Ginanap sa JS Gym, Dulong Bayan Bacoor, Cavite noong February 26, 2005 sa tulong ng San Andres Firefighters Brigade. Dito itinuro ang ibat-ibang paraan ng pagbibigay ng unang lunas at paglaban sa sunog.
Strike a Drum
Isang proyekto na naglalayong magbigay ng pagkakataong maipakita ng mga kabataan ang kanilang talento sa pagtugtog ng iba’t ibang instrumentong pang-musika.
Strike One
Ang programang ito ay nagnanais na mapaunlad ang kakayahan at talento ng mga kabataan sa larangan ng pag-arte, pagsayaw, at iba pang uri ng sining.
Mr. and Ms. Teen Cavite 2004
SM City Bacoor / Montano Hall Cavite City / Mount Sea Resort Rosario, Cavite - October 2003-February 2004
MGA PROYEKTONG PANG-IMPRASTRAKTURA
Pagpapagawa ng mga waiting shed, basketball courts, daan, drainage, multi-purpose hall at Barangay Day Care Centers at mga street lights.
Bayanihan 2000
Tulong para sa iba’t ibang organisasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng materyales upang makapagpatayo ng mga edipisyo.