Events Calendar

« < September 2010 > »
S M T W T F S
29 30 31 1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 1 2

Visitor Hits Counter

_VISITORS

Visitor Counter

home page uniques
Bedding Store

Senior Citizens, libre sa mga sinehan PDF Print E-mail

LIBRE na ang panonood ng sine ng mga naninirahang senior citizens sa Bacoor simula ngayong Hunyo 2008.
Sa pamamagitan ng Municipal Ordinance No. 05, Series of 2008, ipinag-uutos ni Mayor Strike Revilla ang libreng panonood ng sine ng mga rehistradong senior citizens ng Bacoor sa lahat ng mga sinehan sa Bayan.

 Nakasaad sa ordinansa na bukod sa kasalukuyang 20% na natatanggap ng mga senior citizens na rehistrado sa Office of Senior Citizens Affair (OSCA) ng Bacoor, Cavite, aakuin ng lokal na pamahalaan ang karagdagang 80% upang ganap na makapanood ng libre ang mga taong nabanggit.

Ang pribelehiyong ito’y maaari lamang gamitin sa mga araw ng Lunes at Martes. “Malaking tulong ito sa ating mga n a k a t a t a n d a n g mamamayan ng Bacoor. Maari na silang makapaglibang nang di iniisip ang kakulangan ng pera. Mapapanood na nila ang kanilang mga paboritong pelikula nang libre,” pahayag ni Mayor Strike Revilla.

Dagdag dito, isang pelikula kada araw lamang ang maaaring mapanood ng mga senior citizens sa mga naturang
araw.